WebClick Tracer

Bumabalik na ang lakas ng paa ni Justin Brownlee

NAKAKABALIK na ang dating porma ni Justin Brownlee higit isang buwan matapos tanggalan ng bone spurs sa paa.

Good news ito sa Gilas Pilipinas na nakabitin pa ang apela kung papayagan ng local organizers na maglaro sa Hangzhou Asian Games sina Calvin Abueva, Terrence Romeo, Mo Tautuaa at Jason Perkins.

Sakaling tablahin ang apela, binitbit ni coach Tim Cone pa-China ang mga pamalit na sina CJ Perez, Chris Ross, Kevin Alas at Arvin Tolentino, at si Marcio Lassiter para kay RR Pogoy na may health issues pa.

Bumiyahe na ang Nationals kahapon.

Sa unang laro matapos ang surgery, nagtistis si Brownlee ng 19 points, 5 rebounds, 3 assists para giyahan ang Gilas sa 86-81 win sa exhibition match kontra Changwon LG Sakers noong Biyernes.

“There’s some discomfort but that’s normal,” balita ni Brownlee sa kanyang kondisyon. “I think it will go away as time goes along, hopefully go all away very soon.”

Tumodo sa higit 35 minutes ang resident import ng Ginebra na naturalized player sa Hangzhou Asiad.
“It’s definitely expected but at the same time, it’s not bothering me too much,” dagdag ni Brownlee. “But I feel good.” (Vladi Eduarte)

TELETABLOID

Follow Abante News on