WebClick Tracer

Bet sina Kidman, Aniston: Ria Atayde pang-Hollywood star ang peg

Ang bongga ni Ria Atayde, na mala-Jennifer Aniston, Reese Whiterspoon, Nicole Kidman ang peg, ha!

Kasi nga, bukod sa pagiging aktres, heto nga at prodyuser na rin sila, sa tulong siyempre ng nanay niyang si Sylvia Sanchez, at kapatid na si Arjo Atayde.

Ngayon pa nga lang daw ay nakikita na niya ang sarili na sa ganung direksiyon talaga ang punta niya. Pero siyempre, sa ngayon ay nakikinig, nag-o-observe pa rin siya sa nanay niya, na sabi nga niya ay mas matagal na sa showbiz.

“That’s the direction we’re planning to go. That’s the goal ultimately.

“I mean, Reese Whiterspoon does it. Jennifer Aniston, Nicole Kidman, ganun din. It’s so normal in Hollywood, for actors to co-produce/produce rin,” sabi ni Ria.

Si Zanjoe Marudo ba ay keri rin na maging bahagi ng production nila?

“Ay, in fairness naman po, they’re (family) very supportive with what we do. And it’s open to everyone who wants to helps us, and wants to assist us. To make it bigger than what it should be,” sagot ni Ria.

Katunayan, ngayon pa lang daw ay madalas na siyang magtanong kay Zanjoe tungkol sa showbiz, dahil mas matagal nga raw ito sa kanya sa industry na ito.

At siyempre, inusisa rin ang tungkol sa relasyon nila ni Zanjoe, lalo na ang tungkol sa kasal. Pero hirit nga ng mga kaharap niya, kakakasal lang nina Arjo at Maine Mendoza, at bawal ang sukob.

Kaya next year na lang sila ni Zanjoe magpakasal.

“Ay, grabe naman. Hahahaha!” reaksyon ni Ria.

“Naku po! Agad-agad! Basta abangan na lang. Hahahaha!” sabi ni Ria, na humirit pa nga, na hindi ka naman magtatagal sa isang relasyon, kung sa tingin mo ay wala ring patutunguhan.

“Di ba, why would you be wasting time, kung hindi ganun ang tingin mo. I mean, kung hindi naman for the long run,” sabi niya.

Anyway, kaaliw ang tanong kay Ria kung ‘nag-aapoy’ ba ang damdamin niya sa mga panahon ngayon?

“Oo naman!” sagot niya, na bida nga rin kasi siya sa ‘Nag-aapoy na Damdamin’ na serye ng Kapamilya at TV5.

O baka naman masyadong matamis ang paligid niya, dahil sa ‘Fruitcake’?

“Oh, di ba? Naisingit ha! Hahahaha!

“Sige, nag-aapoy ang fruitcake! Hahahaha! Kasi, kaka-bake lang. Mainit-init pa!” nakakatawang chika na lang ni Ria.

Wish nga ni Ria na makasama ang ‘Fruitcake’ sa Metro Manila Film Festival.

“A lot of stories, rolled into one. So on its own, maraming puwedeng maka-relate sa iba’t ibang story. Each story, parang iba ang demographic na puwede niyang ma-reach.

“And then, apart from that, masaya rin kasi ang general feel ng movie. And I think the holiday is about love, family, and friends. So I think, bagay talaga siya sa festival,” sabi na lang ni Ria. (Dondon Sermino)

TELETABLOID

Follow Abante News on