WebClick Tracer

19th Asian Games! Patrick Perez sapol bronze, unang medalya ng Pilipinas

SAPOL ni 2023 Phnom Penh Southeast Asian Games gold medalist Patrick King Perez ang kauna-unahang medalya ng Pilipinas sa 19th Asian Games matapos makuha ang tansong medalya sa men’s individual poomsae nitong Linggo ng hapon sa Lin’an Sports Culture and Exhibition Centre sa Hangzhou, China.

Hindi napabilib ng De La Salle University taekwondo jin ang mga hurado nang makakuha lamang ito ng 6.910 puntos mula sa 7.640 at matamlay na 6.180 sa ikalawang subok upang talunin ni Taiwanese Yun Zhong Ma sa 7.450.

Kinalauna’y nagwagi ng silver medal si Ma nang mahigitan ni Korean Wanjin Kang.

Nagpamalas ng mahusay na performance si Perez sa preliminary round nang talunin si dating Pencak Silat fighter Souksavanah ng Laos nang makakulekta ito ng 7.640 at 7.760 para sa 7.700 na puntos kumpara sa 7.420 at 7.460 para sa 7.440 na average sa Round of 16.

Sunod nitong pinataob sa quarterfinals si Prem Bahadur Limbu ng Nepal nang umiskor ito ng kabuuang 7.560 laban sa 7.160.

“I did my very best but I lost to a better player today,” wika ni Perez matapos ang laban.

Mabilis namang nagtapos ang mga pormahang galawan ni biennial meet champion Jocelyn Ninobla nang higitan sa puntusan ni Yeaeun Cha ng South Korea sa kabuuang iskor na 7.680 laban sa 7.560.

Kinailangan lamang ni Mark Ashley Fajardo ng limang suntok kabilang ang kaliwang hook sa mukha upang maagang tapusin ang laban kontra Dorji Wangdi ng Bhutan sa 2:21 ng first round ng men’s 63.5kgs preliminary round 32.

Nalaglag naman ang isa sa tatlong pambatong women’s boxer ng bansa na si Southeast Asian Games medalist Aira Villegas nang talunin ito sa split decision ni Yesugen Oyuntsetseg ng Mongolia sa iskor na 1-3. (Gerard Arce)

TELETABLOID

Follow Abante News on