Pinangunahan ng SM ang maraming cleanup drives sa buong taon bilang suporta sa United Nations Decade of Ocean Science for Sustainable Development (2021-2030).
Alinsunod sa UN Ocean Decade Challenge ngayong taon na Sustainably Feed the Global Population, ang mga proyekto ng SM sa pag-conserve ng tubig, kabilang ang pag-recycle at pag-treat ng tubig mula sa paghuhugas ng kamay at pag-ha-harvest ng tubig-ulan, ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pakikipagtul ng komunidad sa pagsugpo ng polusyon, pagprotekta sa mga pangisdaan, at pagtulong sa pagpapanatili ng mapagkukunan ng tubig na maiinom para sa lahat.
“We all have a responsibility to help protect and safeguard our marine environment, its resources, and the communities it serves,” sabi ni SM Supermalls Vice President for Corporate Compliance at SM Cares Program Director for the Environment Engr. Liza B. Silerio. ” A cleaner ocean means a better future for generations to come.”
Simula pa noong 2015, lumalahok na ang SM Supermalls sa International Coastal Clean Up, na naging daan para sa mga volunteers na magtulungan para sa isang mas malinis at mas maaliwalas na kinabukasan.