WebClick Tracer

Gastos sa operasyon

Iba’t ibang paraan ang paggamot ng isang may sakit o karamdaman. Maaaring maging konserbatibo at idaan sa pamamagitan ng pagbigay ng gamot, mga therapy, o iba pang mga konserbatibong paraan. Ngunit sa kabilang kamay ay ang agresibong posibilidad na maoperahan dahil sa pangyayari. Bilang isang seruhano, ang isang bagay na malimit itanong sa atin ay hindi kung ano ang operasyong gagawin o bakit kailangan operahan, kundi ang posibleng mga gastusin dahil maooperahan. Kaya ang tanong ay “Doc, magkano aabutin ang operasyon?“. Ang mahirap kung minsan ay hindi na ipinakikita ang pasyente at nagtatanong na lang dahil may nakapagsabi o di kaya kinonsulta si Dr Google at operasyon ang kailangan. Parang nasa tindahan lang ang tinanungan.

Sa totoo lang, hindi sapat ipakita ang isang x-ray, mri o ct scan para malaman kung magkano aabutin ang oparasyon. Napakadaming iba pang bagay ang kinakailangang malaman bago hatulan kung ooperahan nga ba talaga. Kailangan malaman kung kailangan ba ang operasyon? Paano at anong operasyon ang gagawin. May iba pa bang paraan maliban sa operasyon? Ano ang mga risks, benepisyo at kumplikasyon ng operasyon. Anong klaseng anesthesia ang gagamitin bago maoperahan. Ano ang inaasahan, bago, habang at pagkatapos ng operasyon.

Ngunit bago pa man ito isipin, kailangan maeksamin ng mabuti ang may sakit. Malaman ang history, magawa ang physical exam at makita ang mga iba’t ibang eksaminasyon para makatulong sa pagdiagnose. Ang totoo ay ang magsasabi kung kinakailangan maoperahan ay ang seruhano. Ganoon din, na ang makakapagdesisyon na hindi kakailanganin ang operasyon ay ang seruhano din. Kailangan din masuri ang medical na kundisyon ng pasyente. Madalas humihingi ng mga iba’t ibang klaseng clearance tulad ng cardio-pulmonary o CP na sa puso at baga, neurologic sa utak, hematologic sa dugo, at iba pa. Ito ay para malaman ang mga posibleng sari saring kumplikasyon bago pa maoperahan. Higit sa lahat ay kung kakayanin ang operasyon na pinaplano.

Sa mga nabanggit pa lang ay maaaring magumpisa na ng mga gastusin. Idagdag pa ang gastos dahil sa ospital, operating room, mga gamot, mga instrumento at implants kung meron, at ang mga professional fees ng seruhano at kaniyang mga katuwang sa pagopera. Hindi katulad sa isang department store o tindahan na mabilis maibibigay ang halaga ng isang bagay, ang pagpapaopera ay medyo masalimuot. Idagdag pa ang mga benepisyo at diskwento tulad ng senior citizen’s o person with disability (PWD) discount, philhealth, at ang maitutulong ng mga doktor.

Kaya bago magtanong kung magkano, alamin muna ang buong halaga ng sakit at kundisyon na hinaharap.

Hanggang sa susunod na Huwebes! Stay Healthy! Stay safe! Get vaccinated! Get Boostered!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 at IZTV 23, tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahay sa DZEC1062 tuwing huwebes 1pm) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Iba’t ibang paraan ang paggamot ng isang may sakit o karamdaman. Maaaring maging konserbatibo at idaan sa pamamagitan ng pagbigay ng gamot, mga therapy, o iba pang mga konserbatibong paraan. Ngunit sa kabilang kamay ay ang agresibong posibilidad na maoperahan dahil sa pangyayari. Bilang isang seruhano, ang isang bagay na malimit itanong sa atin ay hindi kung ano ang operasyong gagawin o bakit kailangan operahan, kundi ang posibleng mga gastusin dahil maooperahan. Kaya ang tanong ay “Doc, magkano aabutin ang operasyon?“. Ang mahirap kung minsan ay hindi na ipinakikita ang pasyente at nagtatanong na lang dahil may nakapagsabi o di kaya kinonsulta si Dr Google at operasyon ang kailangan. Parang nasa tindahan lang ang tinanungan.

TELETABLOID

Follow Abante News on