WebClick Tracer

LDR Lessons 101

Ang sarap talagang ma-inlove! Kaya pati ako ay kinilig sakwento ng ating letter sender na si Ms. Claire ng Quezon City nananiniwala na kahit long distance relationship, basta andyan ang LOVE ay kayang ma-survive ang lahat ng pagsubok kahitmalayo sa isa’t isa. Nakakatuwa na malaman na mas nanaig ang pagmamahalan nila kahit pa sinubok ng matinding lungkot ang kanilang relasyon. Mas lumalim at naging matibay. Dasal naminna maging forever ang inyong pagmamahalan.

Narito ang kwento ni Ms. Claire.

Sabi nga nila, to love and to be loved is one of best feeling.

Totoong mas matamis at masaya ang buhay kung may pag-ibigat mayroon kang iniibig. Hindi talaga mapapantayan ng kahitanong bagay ang saya na naiibigay nito. Mas gumagaan ang buhay kung mayroon kang kasama sa tagumpay, kasiyahan, at pati na rin sa mga araw na nalulumbay ka at kailangan mo ng karamay.

Pero paano kung isang araw ay kailangan niyong mawalay saisa’t isa? Kakayanin ba? Ito ba ay magpapatibay sa inyongrelasyon o ang distansya ang sisira sa inyo?

Hayaan niyong ibahagi ko sa inyo ang 2 taon long distance journey namin ng aking boyfriend at paano namin na-survive ang long-distance relationship.

Halos tatlong taon na rin ang relasyon namin ng akingboyfriend. Pero sa halos tatlong taon na iyon, wala pa sigurongisang taon kaming nagkasama. Pareho kaming naging English teachers sa Madrid, Spain. Dito na rin kami nagkakilanlan at nagkamabutihan. Masaya at naging madali and mga una naming pagsasama, pero gaya ng lahat ng relasyon, may mga pagsuboktalaga na dadating. Sa di inaasahang pagkakataon kinailangannamin mawalay sa isat isa. Bakit nga ba hindi inaasahan? Noong2021 kasi ay umuwi kami ng Pilipinas para magbakasyonlamang nang dalawang buwan. Plano naming bumalik din agadsa España pero mukhang nag-iba ang takbo ng tadhana at ako nalang ang nakabalik mag-isa. Nagkaroon kasi ng problema samga papeles niya at kinailangan niyang maiwan dito saPilipinas. Naplano na namin lahat, may ticket na pabalik, ready na ang lahat ng kailangan, pero ang ending, ako na lang ang nakabalik.

Hindi ko pa rin malilimutan yung araw ng pag-alis ko, iyak akonang iyak sa eroplano noon. Natakot ako dahil mag-isa na lang akong babalik. Nasanay kasi ako na palagi siyang andiyan, palagi akong may kasama at maaaya sa lahat ng bagay. Nahirapan akong mag-adjust sa sitwasyon namin. Pero siyempre, hindi naman dapat titigil ang mundo dahil lang magkalayo kami. Kahit mahirap, kinailangan ko ding labananang kalungkutan para sa amin, pati na rin para sa sarili kongmga pangarap.

Napakarami naming pinagdaanan noong LDR pa kami. Lahat nayata ng pwedeng hindi pag kasunduan ay pinagtalunan nanamin. Malaking hadlang din yung time difference namin na 6 hours. Kapag matutulog pa lang ako, nagsisimula na yung arawniya. Maraming beses pwedeng sumuko pero hindi naminginawa yun. Kapag may problema, pinag uusapan talaga at pareho kaming naniniwala na mahalaga na nandoon pa rin yungrespeto sa isa’t isa kahit na hindi na kayo nagkakasundo sa mgabagay-bagay.

Fast forward to 2023, bumalik na ako sa Pilipinas for good dahilnatapos na ang contract ko sa Madrid. Sa wakas, natapos na din ang pagiging LDR couple namin. Masaya ako dahil siyempresino ba namang hindi kung makakasama mo na ang love of your life.

Pero ano nga bang mga natutunan ko sa dalawang taon namagkalayo kami? Marami. Una, Natutunan ko na pahalagahannatin yung oras na kasama natin yung mga mahal natin sabuhay. Treasure it, enjoy it, live every moment with them. Natutunanan ko rin na importante talaga na hindi dapat umiikotang buhay mo sa taong mahal mo, kailangang bigyan mo rin ng oras ang sarili mo. Mag enjoy ka, make friends, do what you love and keep yourself busy. Have fun in doing things even if it means that you have to do it alone. Mas nakilala at minahal ko rin ang sarili ko. Kapag pala kasi mahal mo ang sarili mo, mas kaya mo din magmahal ng ibang tao. At ang pinaka natutunanko sa lahat, ang pagbibigay ng pasensiya. Pasensiya sa partner mo at sa sarili mo. Darating talaga yung mga pagkakataon namahihirapan kayo, magkakalabuan, pero ganun naman ang lahat ng relasyon. Hindi madali ang LDR pero sabi nga nila, nothing worth having comes easy.

Alam kong marami ding LDR couples ang makaka relate dito. Hindi lahat nagtatagumpay pero naniniwala ako na kung gusto mong mag-work ang isang bagay, you will always find ways to keep the person you love. Kaya sa mga LDR couples diyan, saludo ako sa inyo. Stay in love ❤️

TELETABLOID

Follow Abante News on