Marami ang natuwa at na-excite nang lumabas ang pangalan ni Claudine Barretto na kasama raw sa Kapamilya teleseryeng ‘Can’t Buy Me Love’.
Mahigit 10 years na rin kasi nang huli itong napanood sa isang Kapamilya teleserye.
Ayon pa sa mga lumabas na balita, siya ang gaganap na nanay ni Belle Mariano sa nasabing teleserye.
Kaya nalungkot ang kanyang fans nang hindi siya napanood sa cast reveal video ng ‘Can’t Buy Me Love’ na nilabas ng Star Creatives at ABS-CBN.
Kaya tinanong siya ng entertainment press kung totoo bang dapat kasama siya sa teleserye ng DonBelle?
“Yes, it was offered pero unfortunately hindi nagtugma ang mga schedules,” sey niya sa naganap na 36th birthday party ni Dr. Ralph Figaroa delas Alas.
Sa ngayon daw ay may mga negosasyon pa rin para sa isang teleserye at movie.
Sana nga ay tuloy-tuloy na ang pagbabalik ni Claudine dahil mahusay siyang aktres.
At puwede pa naman niyang makasama sa ibang mga proyekto sina Donny Pangilinan at Belle, ha! (Byx Almacen)