WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Ka-love team iniintriga! Barbie ang galing umarte, napag-iwanan si David

Ang bongga talaga ni Barbie Forteza dahil trending siya ngayon sa TikTok.

Nilabas kasi ng GMA-7 ang BTS (behind the scene) video ng teleseryeng ‘Maging Sino Ka Man’ kung saan pinakita kung paano siya mag-internalize bilang Monique habang binubuhusan ng tubig.

Todo nga ang paghanga ng netizens sa husay niyang umarte hindi lang sa actual scene pati na rin sa internalization na damang-dama ang emosyon maski walang linyang sinasabi.

Sa ngayon ay mayroong 4.6M views na sa TikTok ang nasabing BTS video.

Ang bongga ngang umarte ni Barbie at may iba namang nang-iintriga sa leading naman niyang si David Licauco.

Dapat daw na paghusayan din ni David ang kanyang pag-arte, ha!

Well….

Samantala, excited na ang BarDa fans dahil for the first time ay magkakaroon na ng mall show sina Barbie at David na magaganap sa Vista Mall Bataan sa September 21.

Yun na! (Byx Almacen)

Related News

TELETABLOID

Follow Abante News on