PUMALO na sa 19 ang bilang ng mga Pinoy na nasawi sa wildfire sa Maui, Hawaii.
Kinumpirma ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasunod ng pagtukoy sa forensic test ng lima pang bangkay sa tulong ng DNA samples na ibinigay ng mga kaanak ng mga biktima sa Federal Bureau of Investigation (FBI).
Kabilang dito sina Leticia Constantino ng Ilocos Sur, Raffy Imperial mula Naga City, Camarines Sur, Bibiana Tomboc Lutrania mula Pangasinan, Maurice Buen, mula Ilocos at Marilou Diaz ng Southern Leyte.
Hindi pa rito kabilang ang anak ni Constantino na si Allen at ina ni Lutrania na si Revelina Tomboc. Si Lutrania lamang ang may impormasyon sa Philippine Consulate General Office sa Honolulu.
Ang iba pang mga nasawi na nauna nang ini-report ng konsulado ay sina Rogelio Mabalot Sr, 68; Salvador Coloma, 77; Rodolfo Rocutan, 76; Conchita Sagudang, 75; Danilo Sagudang, 55; Alfredo Galinato, 79; Carlo Tobias, 54,; Pablo Pagdilao, 75; Narciso Baylosis, 67; Vanessa Baylosis, 67; Eugene Recolizado, 50; Joseph Lara, 86; Glenda Yabes, 48; Buddy Jantoc, 79; Leticia Constantino, 56; Raffy Imperial, 63; Bibiana Tomboc Lutrania, 58; Maurice Buen; Aka Shadow, 79; at Marilou Dias, 60.
Kabilang pa sa mga patuloy na nawawala ang 11 Filipino at Filipino-American citizen.
Nanawagan naman ang Maui Police Department sa publiko na patuloy na i-report sa kanila ang mga nawawala nilang kaanak. Sa ngayon ay bumaba na sa 97 ang kabuuang bilang ng namatay sa insidente mula sa dating 115 dahil sa isinagawang DNA testing. (Natalia Antonio)