WebClick Tracer

VISAYAS/MINDANAO

Nakamotorsiklong magpinsan nahulog sa tulay, patay

NASAWI ang magpinsan nang mahulog ang sinasakyan nilang motorsiklo sa tulay at bumagsak sa ginagawang drainage sa Toril district, Davao City noong Linggo nang madaling-araw.

Kapwa wala nang buhay nang madatnan ng mga residente ang mga biktimang sina Jeboy Tacoling, 20-anyos at Jay-Ar Lopez, 15-anyos, mga residente ng Purok 6, Barangay Baracatan sa nasabing distrito.

Sa ulat, pinilit umano ng magpinsan na itawid ang sinasakyan nilang motorsiklo sa makipot na tulay para makauwi pasado alas-singko nang madaling-araw.

Lumitaw naman sa imbestigasyon na nakainom ng alak ang drayber ng motorsiklo na si Jeboy kaya hindi umano nito natantiya ang makipot na tulay dahilan upang mahulog sila at bumagsak sa ginagawang culvert drainage.

Pasado alas-otso na nang umaga nang madiskubre ang bangkay ng magpinsan na kapwa nagtamo ng pinsala sa ulo at katawan. (Edwin Balasa)

Related News

TELETABLOID

Follow Abante News on