SINGER na, dancer pa? Aba eh sila na!
Ganitong eksena ang nasaksihan ng madlang pipol sa mga talentadong
miyembro ng Emilio Aguinaldo College Chorale nang magtanghal sila sa
NCAA 99 Pep Rally kamakailan.
Tanong tuloy ng marami, nasaan ang hustisya? Bakit nasalo nila lahat
ang galing at husay?
Sabi kasi nila, kapag kabilang ka sa isang choir, inaasahan ng
nakararami na mahusay kang kumanta. Pero yung magaling ka pa ring
sumayaw, aba eh iba na ‘to.
Ito ang nangyari nang biglang nagpasabog ang mga miyembro ng Emilio
Aguinaldo College (EAC) Chorale sa kanilang pagtatanghal sa nasabing
event.
Sa ginanap na pagtatanghal, inaawit ng mga miyembro ang “Sumayaw
Sumunod” ng The Boyfriends nang bigla nilang ginulat ang audience nang
sila ay nagpamalas ng choreo kasabay ang kanilang malupit na blending
at harmony.
Hindi inaakala ng mga manonood na mga bakulaw na performer pala ang
mga batang ito. Hataw kung hataw habang naka-pormal na barong at gown
ang EAC Chorale. Kaya mo yun?
Ikinatuwa naman ng mga netizen ang napanood, lalo na ang mga mag-aaral ng EAC.
‘Lupet n’yo mga bebecake,” ani isang netizen.
“Wala ka sa choir namin!” pagmamalaki ng isa pa
“Bravo EAC CHORALE! Great Performance!” puri ng isang commenter.
Ginalingan naman talaga! Siguradong ginanahan ang kanilang mga
manlalaro dahil sa ginawa nilang sorpresa.