WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Masinop sa datung: Rest house ni Kim puno ng pampasuwerte

Ang bongga ng rest house ni Kim Chiu, na may mga kuwento talaga lahat ng gamit, ha!

Tulad ng sofa niya, na sabi niya ay sobrang simple lang, na minimalist lang. Favorite raw kasi niyang tumambay sa sala at umupo sa sofa.

At harmony ang description niya sa carpet na pinili niya sa sala.

Sabi ni Kim, kapag nakikita raw niya ang Taal Volcano, na view nga ng rest house niya, nagiging mapayapa raw ang isip niya.

Pagdating sa painting naman, galing daw ‘yon sa bahay talaga niya na dinala lang niya sa rest house, dahil mas bagay nga raw. Mga bulaklak nga ang painting, na maganda raw dahil it represents beauty, charm and wealth.

May isa pa siyang painting na biro nga niya, worth P100M daw, ha!

“Hindi siya pang-P10M na painting. Inisip ko na lang na worth P100M siya. Hahahaha!” chika pa ni Kim.

Siyempre, ang sunrise rin ang habol niya sa rest house niya, na gumigising daw talaga siya ng maaga para lang makita ito.

Anyway, punong-puno nga ng mga pampasuwerte ang rest house ni Kim, may painting na koi fish, at money tree rin, na base sa Feng-shui, ha!

“Para bumongga tayo ng many more bonggahan!” sey pa niya.

Anyway, sa bandang dulo ng video, pinakita ni Kim ang breathtaking view, na hingahan daw niya ng sama ng loob.

“Dito ako sumisigaw nang ‘galit ako sa’yooooo!’ Pag-uwi ko, okey na pala ako. Hahahaha!

“Dito talaga ako nagri-relax! Sobrang priceless kasi ang view.

“Para akong nasa ibang planeta kapag nandito ako. Nakakapag-relax ako, nakakapag-isip. Sobrang daming gulo, sobrang daming pressure. Pero dito, sobrang pause and chill lang,” sabi na lang ni Kim.

Mababasa mo nga ang mensahe kay Kim ng mga fan, na sabi nga nila, sobrang masinop sa pera, na deserve nito kung ano ang meron ito ngayon, na grabe rin kasi kung magtrabaho.

Related News

TELETABLOID

Follow Abante News on