c
Kinilala ng Cebu City police ang mga biktima na sina Rolando Bangkal, 38-anyos at Relina Tinapay, nasa hustong gulang, mga residente ng Sitio Naba, Barangay Mambaling sa nasabing lungsod.
Batay sa report, natagpuan ang mga biktima na nakabulagta sa kanilang kama at tadtad ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan bandang alas-dos nang madaling-araw.
Sa insiyal na imbestigasyon, dalawang lalaki na kapwa naka-jacket at full-face helmet ang pumasok sa bahay ng mga biktima. Ilang ulit umanong pinagbabaril ng mga ito ang mag-partner gamit ang hindi pa matiyak na kalibre ng baril.
Samantala, sinabi ng pulisya na kilala sa kanilang lugar ang mga biktima na sangkot sa ilegal na droga. Inaalam pa ng mga awtoridad ang nasabing alegasyon laban sa dalawa. (Ronilo Dagos)