WebClick Tracer

SPORTS

Kyt Jimenez pinatahimik mga basher nang ma-draft

BINUTATA ni Kyt Jimenez ang bashers niya nang matawag ang pangalan sa 2023 PBA Draft nitong Linggo.

Ang haters ng YouTube star, nagdeklara na hindi makukuha ang long-haired cager na nangarap maglaro sa pros.

Mula sa 124 draft pool ay 76 na ang natawag.

Pagdating sa 12th pick (76th overall) ng 9th round, tinawag ng San Miguel Beermen ang pangalan ni Jimenez.

“Para akong nasa seventh heaven,” bulalas ni Jimenez pagkatapos ng proceedings sa Market! Market! sa Taguig. “Pigil na ‘yung iyak ko noong marinig ko pangalan ko even if near the end. Lord’s will.”

Pagkatapos ng social media sensation, sina Nikko Paranada (10th round, 77th overall) sa NorthPort, Jonathan Del Rosario (10th, 78th) sa Converge at Reggie Boy Basibas (11th, 79th) sa Batang Pier na lang ang sumunod.

Pinakamalakas pa rin ang hiyawan ng crowd sa venue nang tawagin si Jimenez.

Hindi raw niya inasahang SMB pa ang huhugot sa kanya. Makakasama na raw niya ang idol na si Terrence Romeo.

“BIg opportunity sa akin dahil marami ako matututunan kay kuya Terrence,” giit ni Jimenez.

Pero makikipag-agawan pa sa slot si Jimenez, may isang linggong mag-iisip ang San Miguel kung bibigyan siya ng kontrata lalo’t loaded naman ng veteran stars ang team.

Naglaro sa Perpetual sa NCAA si Jimenez, sumikat nang masama sa Mav’s Phenomenal Basketball. Naglaro din siya sa MPBL at gumawa ng record para sa Sarangani Marlins nang maglista ng quadruple-double noong 2022.

(Vladi Eduarte)

Related News

TELETABLOID

Follow Abante News on