
Hindi lang ang mga South Korean idols ang dadalo at mapapanood sa Asia Artist Awards (AAA) 2023 dahil for the first time ay may mga Pinoy idols na dadalo sa biggest Hallyu event ng taon.
Kinumpirma ngayong araw ng PULP Live World, StarNews, and TONZ Entertainment ang pagdalo ng all-Filipino K-Pop idol boy group na HORI7ON at ng P-Pop idol boy group na SB19 sa AAA on December 14.
Magandang platform para sa ating mga Pinoy idols ang pagdalo sa AAA na gaganapin sa Philippine Arena sa may Bocaue, Bulacan dahil sa daming manonood nito lalo pa’t dadaluhan din ito ng Korean idol actors gaya nina Kim Seon-ho, Ahn Hyo-seop, Kim Se-jeong, Moon Ga-young, Lee Dong-hwi, Lee Jun-hyuk, Cha Joo-young, Lee Eun-sam, Lee Jun-ho, Jeong Seong-il, Kim Young-dae, Lee Jun-young, Moon Sang-min, Yoo Seon-ho, Ahn Dong-gu, at Jae-chan.
Maliban sa HORI7ON at SB19, kinumpirma rin ngayong araw ang pagdalo ng K-Pop idol groups na BSS (Seventeen), Kingdom, LUN8, ATBO, at ONEUS.
Nagbunyi naman ang A’Tins (fans ng SB19) at Anchors (fans ng HORI7ON) sa bagong achievement ng dalawang grupo.
“From rock ’n roll, madlang people to see you in AAA. So proud of you MARCUS and HORI7ONs,” sey ng isang Anchor.
“Imagine the reaction of those K-artists if SB19 will be performing gento on AAA, they’re gonna ate that stage I fear,” sey naman ng isang A’Tin.
Wish naman ng nakakarami na mag-collab sa isang performance ang SB19 at HORI7ON na tiyak na aabangan sa buong Asya!
Bonggels!