Ang bongga lang ng pagsasama nina Snooky Serna, Maricel Soriano sa ‘Pira-Pirasong Paraiso’ ng ABS-CBN, TV5, ha!
Dahil sa malulutong na linyahan ng dalawang premyadong aktres, atat na atat ang viewers.
At mas maganda nga raw sana kung makakasama na nina Snooky, Maricel sa afternoon series ang kasamahan nila noon sa Regal Films, si Dina Bonnevie.
Type nga ng netizens na i-sabong si Dina kina Snooky, Maricel.
Naisip na rin daw ng mga taga-Dreamscape Entertainment ang bagay na ‘yon, pero malabo raw mangyari.
Hindi makakapasok sa ‘Pira-Pirasong Paraiso’ si Dina dahil nasa ‘Abot-Kamay na Pangarap’ afternoon series siya ng GMA-7.
Eh aabot pa raw hanggang next year ang ‘Abot-Kamay na Pangarap’ kaya imposible talagang magkasama-sama sina Dina, Snooky, Maricel sa ‘Pira-Pirasong Paraiso’, ha!
Siguro mas swak pa kung ibang serye na lang ang pagsasamahan nilang tatlo.
Tama! (Jun Lalin)