WebClick Tracer

NEWS

Box office hit! Malunggay, tinola ginulat pamilya ng pinay sa US!

TAOB ang kaldero at ubos ang kanin! Ito ang resulta nang unang makatikim ng tinolang may malunggay ang pamilya ng isang Pinay sa Amerika.

Siya si Gin Riegel, ang Pinay na nakapag-asawa ng Amerikano at nagkaroon ng kambal na anak dito. Ikinuwento niya kung paano niya tinuruan ang kanyang mga anak na mamitas ng mga dahon ng malunggay at magluto ng tinola sa unang pagkakataon.

Sa kanyang vlog na Riegel Twins sa Facebook, sinabi ng Pinay na itinanin niya ang malunggay sa kanilang bakuran at siyempre, perfect itong pangsahog sa mainit na sabaw nang mamunga na.

Ibinahagi niya na super enjoy ang kanyang kambal na sina Brayden at Dawson sa pamimitas ng malunggay. Tumulong din ang kambal sa pagtatanggal ng dahon mula sa tangkay kaya’t proud na proud ang mga ito sa kanilang nagawa.

Tuwang tuwa ang Pinay mommy dahil mahirap makahanap ng malunggay sa Amerika kaya’t naisip niyang magtanim nito.

Nang maluto na nga ang tinola, aba eh taob ang kaldero, ubos ang kanin. Talaga namang patok na patok sa kambal, pati na rin sa kanyang mga stepchildren at lalo na sa mister niyang si Todd ang inihanda niyang tinola with malunggay leaves.

Bentang benta talaga sa asawa niyang Afam ang tinola na agad sumabak ng kain at humigop ng sabaw matapos ang isang nakakapagod na araw sa trabaho.

Ang malunggay ay isa sa mga masusustansyang gulay na matatagpuan sa Pilipinas. Maaari itong isahog sa maraming putahe kaya’t maraming Pilipino ang nagtatanim nito sa kanilang mga bakuran. Pwede din pala sa US!

Related News

TELETABLOID

Follow Abante News on