WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Andrea dedma kahit nasa PBA na ang ex: Ricci ‘lumpo’ na sa mga basher

Mukhang paborito talaga ng PBA fans na i-bash si Ricci Rivero, huh!

Sa PBA Draft event nitong Linggo ng hapon ay pinutakti ng samot saring bashing ang video at mga picture ni Ricci sa mismong official social media page ng pambansang liga ng basketball. 

“Wow bagong laba,” “The laundry man,” “Sino Kaya naglaba ng damit niya,”

“Ang kintab ng pants, pang-Star Magic Ball,”

“Nagpalaba yern,“

“Hoy Ricci hindi JS prom pupuntahan mo kung makaporma ka,” at

“Bakit kailangang naka-Michael Jackson outfit,” ang ilang sa sinabi ng bashers.

Pero hindi naman pumayag ang fans ng ex-boyfriend ni Andrea Brillantes na hindi ipagtanggol ang kanilang idolo sa mga natatanggap nitong negative comment.

“Kawawa naman  ‘yung mga haters ni Ricci. Sobrang inggit na inggit! pag inggit, pikit!”

“Good luck idol Ricci, don’t mind the haters.”

Buti na lang nakuha sa 5th pick sa second round si Ricci at kabilang na siya sa team ng Phoenix Super LPG Fuelmasters. 

At heto pa, napansin din ng netizens ang tila matamlay na paglakad ni Ricci paakyat sa stage matapos i-announce na siya ang pang-5th pick sa 2nd round. Halata raw ang pagkadismaya nito dahil dinedma ang basketbolista sa first round pick, ‘noh?!

Malamang mas bubuwisitin siya ng haters kung hindi na-draft sa season 48 ng PBA si Ricci na kahit na-draft na nga ay ayaw pa rin tantanan ng bashers. 

For sure, gagalingan ni Rivero ang paglalaro sa PBA para patunayan na deserve niyang maging professional basketball player ng bansa. 

Samantala, kahit ano pang ganap sa ex-boyfriend ay tila dedma na si Andrea kay Ricci.

‘Yun na! (Ogie Narvaez Rodriguez)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on