TATLONG miyembro ng underground mass organization (UGMO) ang sumuko at nagbalik loob sa gobyerno sa Maragondon, Cavite noong Linggo nang hapon.
Kinilala ang mga ito na sina Mizpeh Sibay, 53-anyos, Emelita Selaras, 56-anyos at Rolando Domingo, 53-anyos, pawang mga miyembro ng grupong Kamagsasaka at mga residente ng Barangay Pinagsanjan B, Maragondon, Cavite.
Tinulungan sila ni Cavite Provincial Mobile Force Company (PMFC) commander Police Captain Dennis Labrador para mapadali ang kanilang pagbabalik-loob sa gobyerno sa Maragondon, Cavite bandang ala-1:36 nang hapon noong Linggo.
Isang improvised shotgun ang isinurender ni Domingo.
Nangako sila ng katapatan sa gobyerno at tuluyang pagbabagong-buhay para sa kanilang pamilya. (Gene Adsuara)