Ano po ang ibig sabihin ng panaginip na kasama ko raw ang asawa ko at nagpunta kami sa simbahan, wala kaming kapera-pera ni piso pero nung pagdating namin doon ay nakasuot pa raw kami ng damit pangkasal. Nandoon na ang pari pati na ang biyenan ko. Ang kaso wala raw kaming wedding ring, kaya ginawa ng asawa ko ay nanghiram siya ng pera sa mama niya. Umalis kami doon pero pagbalik daw namin sa simbahan ay wala na ang mga tao pati na ‘yung pari. Ang naiwan lang ay yung dalawa kong biyenan at saka kapatid ng asawa ko na nagtatahi ng tela para raw sa ksal namin.
Rosie
Karaniwan at sa halos lahat ng kaso, isang magandang sign ang wedding sa panaginip. Kung committed ka sa relasyon at pati na ang partner mo, nangangahulugan ito na pang-next level na ang inyong samahan.
Pero kung single naman ang nagkaroon ng panaginip na ito, sinisimbolo nito na gustong-gusto na niyang magkaroon ng partner sa isang healthy relationship.
Isa pang sinasabi ng panaginip na ito ay magkakaroon ng malaking pagbabago sa buhay mo at ito ay something na makakapagpaganda ng iyong buhay.
Magkakaroon ka ng malaking success na mae-enjoy mo sa matagal na panahon.
Nakadepende rin ang kahulugan ng panaginip na ito sa nararamdaman mo, masaya ka ba o nagdala ito sa iyo ng kalungkutan? Kung nakaramdam ka ng sadness, nangangahulugan ito na mayroong mawawala sa iyo, takot ka sa anumang change o pagbabago sa buhay, o kaya naman ay mayroong problema sa love life mo.
Ang panghihiram naman ng pera ng mister mo sa kanyang ina ay posibleng senyales na kailangan ninyong pag-aralan ang inyong mga prayoridad sa buhay. Literal din na kailangan ninyo ng tulong sa isang sitwasyon na nahihirapan kayo, maaaring hindi lang pera ang kailangan ninyo kundi paggabay mula sa mas nakakatanda o may malawak nang karanasan.
Ang wedding ring naman ay nagrerepresenta sa unending union ninyong mag-asawa, ang pagkawala nito ay nangangahulugan ng broken promise o kaya naman ay kawalan ng tiwala.
Maiging pag-usapan din ninyong dalawa ang mga bagay na hindi niyo madalas na nasasabi sa isa’t isa dahil maaaring dito nagmumula ang crack sa relasyon.
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatchers@gmail.com