WebClick Tracer

LIFESTYLE

Pilipinas – Da best scuba diving sa Asia!

Muling tinanghal ang Pilipinas bilang Asia’s Leading Dive Destination sa naganap na 2023 World Travel Awards – Asia & Oceania Gala Ceremony sa GEM Center Ho Chi Minh City, Vietnam.

Para manalo ng award, kailangan manguna ang bansa sa botong kinalap mula sa publiko at valida mula sa mga travel professionals.

Sinabi ng founder at presidente ng World Travel Awards, Graham Cooke, malaking asset sa turismo ang mga mamamayan ng Pilipinas. “They have a smile. They work hard. And they’re great people,” sabi ni Mr. Cooke. Kapag isinama yan sa magagandang isla at tanawin, natural lang na manguna ang Pilipinas sa buong mundo, ayon sa kanya.

Dahil ikalimang beses nang natanggap ng Pilipinas ang parangal, kaya hindi masasabing tsamba lamang eto.

“It is by no accident that the Philippines has been declared as Asia’s Leading Dive Destination in 2022 and most recently, having successfully defended for the 5th year in a row its title as Asia’s Leading Dive Destination under the World Travel Awards,” pahayag ni DOT Secretary Frasco na isa ring certified scuba diver.

Sa totoo lang, sa kabila ng batikos mula sa mga kritiko, maraming effort ang ginagawa ng DOT para i-promote ang scuba diving sa mga dayuhang turista.

Isa rito ang pagbuo ng isang Dive Committee para pagkaisahin ang direksyon ng mga programa ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), Tourism Promotions Board (TPB) Philippines, at Philippine Commission for Sports Scuba Diving (PCSSD).

Sa katunayan, kakatapos lang ng dalawang araw na Philippine Dive Dialogue sa Cebu noong nakaraang linggo. Daan-daang stakeholders at mga eksperto sa diving mula sa public at private sector ang nagsama-sama. Bukod sa pagpapalakas ng kanilang samahan tinalakay rin ang mga hamon na kinakaharap ng industrya.

Na-showcase din sa pamamagitan ng mga display, video at photo exhibit ang ilan sa mga patunay kung bakit naturingan ang Pilipinas na sentro ng marine biodiversity.

Bilang suporta sa mga scuba divers, nagtayo ang DOT ng mga hyperbaric chambers para sa mangangailangan ng murang treatment para sa decompression sickness. Meron na tayong apat na operational hyperbaric chambers sa Mabini (Batangas), Panglao (Bohol), Mandaue (Cebu) at Puerto Princesa (Palawan). At kung may sapat na budget pa, balak pang magtayo ang DOT ng karagdagang hyperbaric chambers sa ilan pang kilalang dive destinations sa Dumaguete, Boracay, Puerto Galera, at Daanbantayan Island.

Mula pala sa private sector, kasama ring tumanggap ng parangal mula sa World Travel Award ang mga sumusunod:

· Vivere Azure – Asia’s Leading Boutique Beach Resort

· Discovery Primea Hotel, Makati – Asia’s Leading Business Hotel

· Okada Manila – Asia’s Leading Casino Resort

· Atmosphere Dive Resort – Asia’s Leading Dive Resort

· City of Dreams Manila – Asia’s Leading Fully Integrated Resort

· Amanpulo – Asia’s Leading Private Island Resort

· Ascott Makati – Asia’s Leading Serviced Apartments

Ang mga nanalo sa Asia & Oceania region ay makakasama sa WTA World Edition na gaganapin sa Muscat, Oman sa Nobyember 2023.

It’s more fun in the…… mali. “Love the Philippines!” na pala.

TELETABLOID

Follow Abante News on