WebClick Tracer

VISAYAS/MINDANAO

Kagawad todas, anak sugatan sa ambush

PATAY ang isang barangay kagawad habang sugatan ang anak nito matapos silang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa Datu Piang, Maguindanao noong Sabado.

Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa ospital ang biktimang si Leonardo ‘Jun’ de Jesus, incumbent kagawad ng barangay Poblacion ng nasabing bayan.

Sugatan din ang anak nito na hindi na binanggit ang pangalan na siyang nagmamaneho ng kanilang sasakyan nang tambangan sila sa kahabaan ng Barangay Kanguan sa Datu Piang bandang alas-kuwatro nang hapon.

Sa ulat, lulan ng kanilang SUV ang mag-amang de Jesus at binabagtas ang nasabing lugar nang dikitan sila ng mga nakamotorsiklong suspek na kapwa naka-helmet at pagbabarilin sila.

Napuruhan ang matandang de Jesus na pinaniniwala­ang target ng mga suspek.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, posibleng walang kinalaman ang darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) dahil hindi naman ito kakandidato.

Gayunman, patuloy na iniimbestigahan ang krimen. (Edwin Balasa)

Related News

TELETABLOID

Follow Abante News on