HIGIT sa 700 kawani ng pamahalaang lokal, opisyal ng barangay, guro, estudyante at volunteer mula sa pribadong sektor ang lumahok sa pagdiriwang ng 2023 International Coastal Cleanup (ICC) Day kahapon.
“Navotas is a coastal city, and a large portion of our population depends on fishing for their income. Keeping the sea and other bodies of water clean is imperative in helping our kababayans maintain their livelihood. Let us make cleanliness a part of our lifestyle,” ayon kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco.
“Our city is the extension of our homes. Just like how we keep our homes in order, let us do our part in maintaining the cleanliness of our communities,” dagdag pa nito.
Kasabay nito’y naglunsad ng kampanya ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) para sa wastong pagtatapon ng basura sa 18 barangay sa lungsod.
Ani Tiangco, ang ICC Say ay global event ng mga nagkakaisang bansa at komunidad na naglalayong resolbahin ang pagtaas ng mga basura sa dagat para mapanatili ang kalinisan ng karagatan, ilog, lawa at mga daluyan ng tubig sa pamamagitan ng pagtatanggal ng basura bilang pagtalima sa Presidential Proclamation No. 470 na ipinatupad noong Setyembre 15, 2003. (Orly Barcala)