WebClick Tracer

NEWS

Chiz kinalamapag BOC: Mga smuggler, hoarder ng bigas kasuhan na!

Hinamon ni Senador Francis “Chiz” Escudero ang Bureau of Customs (BOC) na sampahan agad ng kaso ang mga negos­yanteng sangkot sa smuggling at hoarding ng bigas na siyang siyang dahilan ng arti-ficial shortag­e at pagtaas ng presyo nito.

Kasabay nito, nanawagan din ang senador sa BOC na ibunyag ang mga pangalan ng mga negosyante at operators na nagmamay-ari ng mga warehouse na sinalakay ng mga awtoridad kung saan natagpuan ang mga pinaghihinaalang ipinuslit na bigas.

“Ang dami nang raids na ginawa nitong mga nakaraang linggo, bakit hanggang ngayon, wala pang ka-song isinasampa sa mga taong sangkot?” giit ni Escudero.

Binigyang-diin ng senador na kailangang sampahan ng kaso ang mga “economic saboteur” na ito para magsilbing babala na seryoso ang gobyerno sa kanilang kampanya laban sa mga smuggler at hoarder.

“Hindi tayo dapat nagtatapos sa mga raid lamang. Naghihintay at nagmamatiyag ang taumbayan sa susunod na hakbangin ng pamahalaan. Sampahan na agad ng kaso ang mga dapat sampahan,” ani Escudero.

“We should bring them to the court of justice to prove that this administration is resolute in its cam-paign against rice cartel,” dugtong pa niya.

Sa ilalim ng Republic Act 10845 o Anti-Agricultural Smugg­ling Act of 2016, kinukonsidera ang large-scale smuggling ng mga produktong agrikultura bilang economic sabotage.

Noong Setyembre 15, nakumpiska ng BOC-Port of Zamboanga ang 42,180 sako ng bigas na nagka-kahalaga ng P42 milyon sa Barangay San Hose Guzu matapos madiskubre ng mga awtoridad na ang mga kalakal ay hindi sakop ng requisite sanitary at phytosanitary import clearance mula sa Bureau of Plant Industry.

Dalawang linggo bago ito, nagsagawa ng inspeksiyon ang BOC sa tatlong warehouse sa Bulacan at nadiskubre ang mga nakatagong imported rice na nagkakahalaga ng P505 milyon.

Maliban sa paghahain ng kaso laban sa mga hoarder, sinabi ni Escudero na dapat i-update ng gobyerno sa pagsulong ng kaso. (Dindo Matining)

Related News

TELETABLOID

Follow Abante News on