WebClick Tracer

VISAYAS/MINDANAO

BSKE reelectionist, 1 pa timbog sa P1M ‘tobats’

TIMBOG ang dalawang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang reelectionist na barangay kagawad sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) matapos na makumpiskahan sila ng mahigit sa P1 milyong halaga ng umano’y shabu sa isang buy-bust operation sa Isulan, Sultan Kudarat.

Kinilala ang mga suspek na sina Zacaria Buisan, 38, kagawad ng Barangay Poblacion sa bayan ng Talitay at Guiamaludin Sangkad Sailudin, 45, driver ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte.

Narekober sa kanilang sasakyan ang nasa 150 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P1.020 milyon.

Ayon kay Police Brig. Gen. Jimili Macaraeg, Soccsksargen Police Regional Director, nadakip ang mga ito sa Barangay Kalawag 3, Diversion Road, Isulan, Sultan Kudarat sa operasyon ng Regional­ Police Drugs Enforcement Unit (RPDEU) at Isulan Municipal Police Station (MPS) bandang alas-kuwatro nang hapon noong Biyernes.

Nahaharap ang mga ito sa kasong pag­labag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Edwin Balasa)

Related News

TELETABLOID

Follow Abante News on