WebClick Tracer

LIFESTYLE

Mga iskolar ng SM naengganyong ikalat ang ‘Gift of Education’

Nakibahagi kamakailan ang mga bagong scholar ng SM sa contract signing event sa Pasay.

Tampok sa nasabing event ang 18-anyos na si Princess Eunice Motel, isa sa iskolar ng SM na kasalukuyang nag-aaral sa Philippine Normal University.

“I desire to become an educator not just to fulfill a dream but also to be a blessing to the next generation,” saad nito.

Kabilang din si Jhona Bolinas, na kumukuha naman ng Bachelor of ­Science in Education kung saan English ang kanyang major at isa pang aspiring educator na si Krissa May Oquindo.

Ang SM college scholarship program ay patu­loy na umaagapay at sumusuporta sa 3,791 graduates na nag-enroll sa mahigit 120 partner colleges and universities sa buong bansa. Tinatamasa ng nasabing mga iskolar ang buong benepisyo sa matrikula, buwanang allowance, part-time na trabaho tuwing semestral at Christmas break, mga alok ng trabaho mula sa SM Group sa kanilang pagtatapos, at iba pang engaging activities and enrichment programs.

Bukod pa rito, ang tech-voc scholarship program ng SM ay nakapagpatapos na ng kanilang 4,669 mag-aaral, na nakapagpaambag sa pagpapaunlad ng mga dalubhasang propesyonal sa iba’t ibang larangan.

Related News

TELETABLOID

Follow Abante News on