Sino ang magsasabing ang mga ginang ng tahanan ay pambahay lang. Sa, panahon ngayon ang mga ginang ng tahanan ay umaariba na rin sa larangan ng beauty pageant. At ngayon kabi- kabila ang mga beauty pageant para sa mga ginang.
Ngunit bukod tangi ang Mrs. Noble Queen of the Universe Philippines. Una sa lahat ang pangunahing layunin ng pageant na ito ay makatulong sa mga nangangailangan. Nais ng organisasyon na ito ay ipagpatuloy ang pagkawanggawa na sinimulan ng mga ginang sa kanilang mga kapamilya. Upang makatulong at mabago ang kanilang buhay at maging mabuting mamayan. Ang pagkawanggawa ay mapalawak sa pamamagitan ng mga adbokasiya ng mga ginang na ito. May adbokasiya para makatulong sa mga battered wife, mga abandoned children, mga may mental health problems, mga autistic children, preservation of natural resources at marami pang iba.
Nais iparating ng ating mga ginang ang Women’s Empowerment. Kung saan ay pinapakita nila na kaya din nilang makipagsabayan sa mga kalakihan na maging bahagi ng pag-unlad ng isang komunidad at ng bayan. Nais din nilang maging boses ng mga nangangailangan.
Sa darating na Setyembre 22, 2023 ay kokoronahan ang mga natatanging ginang na ito upang maging Mrs. Noble Queen of the Universe Philippines – Luzon, Visayas, Mindanao, 1st Runner Up at 2nd Runner Up. Ang mga napiling mga kandidata ay makikipagtunggali sa buong mundo sa darating na Disyembre ay sina – Belle Vitor, Sophia Quintanar Mara, Princess Margaret Olarte, Rosita Oljace and Jocelyn Alcala.
Ipinagmanalaki ng CEO – Founder na si Eren Antonio Noche ang pageant na ito dahil ang pangunahing layunin nito ay pagkaisahin ang mga ginang sa lahat ng antas ng buhay- maging single mom, diborsiyada o biyuda para makibahagi sa pag-unlad ng ating bansa sa pamamagitan ng kanilang mga adbokasiya. Pinapaabot ni Eren na ang lahat ng ginang ay maaring makibahagi sa kanilang organisasyon kung sila ay may natatanging mga adbokasiya para makatulong. Mga Ginang kahit na anong age, size, shape, height at form ay pwedeng sumali. Wala itong tinatangi basta may mabuting kalooban na makatulong.
Samantalang ang National Director ng Noble Queens of the Universe – Philippines na si Sheralene Shirata ay laking pasasalamat sa pagkakataong ibinigay na oportunidad para pamahalaan ang local organization. Kaya malaki rin ang tiwala niya na makipag- ugnayan sa Ganap Team na sina Bench Bello at ang inyong lingkod para pamahalaan ang nalalapit na coronation night.
Ang International Director ng NQU ay si Patricia Javier. Ang mga kasalukuyang mga Reyna ay Sina Cristina Gonzales, Leira Buan at Sheralene Shirata.
Ang mga guests performers ay sina GJ Carlos, Froilan at si Nolo Lopez-ang host din.
May fashion show din ng mga designer brands tulad ng In the Eyes of Venus, B’wear-Manika at ByField – International.
Ang mga hurado ay sina Riza Oben Dormiendo, Kate Dionevic at Atty. Maggie Garduche- Celebrity Lawyer.
Ang pageant coach ay si Direk Larry Assistin.
Ang official photographer ay si Allen Cabs at ang technical direktor ay si Chester Chua.
Ito ay ay direksyon nina Bench Bello at John Guarnes.
Kumpletos rekados ang gabing ito na mapupuno ng mga beauty queens, celebrity, fashion designers at marami pang iba.
Ang coronation night ay gaganapin sa Acasia Hotel sa Alabang Muntinlupa sa September 22,2023 alas-6:00 ng gabi.