WebClick Tracer

LIFESTYLE

Bilang ng naaksidente milyon na! Seat belt sa mga pasaherong paslit pinu-push

Ang hindi paggamit ng mga seat belt sa mga kotse upang protektahan ang mga bata ang sanhi nang pagkamatay ng mga ito sa mga nangyayaring aksidente, ayon sa pag-aaral.

Kaya naman inirerekomenda ng mga pangunahing organisasyon ng pediatric at hinihiling din ng mga state laws ang paggamit ng seat belt matapos malaman sa isinagawang pananaliksik mula sa AAA at baby brand na Chicco na hindi ginagamit ng ilang magulang ang mga ito.

Ang mga aksidente sa sasakyan ay pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga bata sa U.S., kung saan may 607 batang edad 12 o mas bata ang nasawi noong 2020, 38% dito ay hindi naka-buckle up.

Mahigit 63,000 bata naman ang nasugatan sa mga aksidente sa mga sasakyan sa nabanggit ding taon.

Sinuri ng pag-aaral sa AAA at Chicco ang limang taon ng datos mula sa U.S. Department of Transportation ukol sa mga aksidente at nakita dito ang kakulangan ng wastong paggamit ng mga seat belt upang protektahan ang mga bata na masugatan sa mga pagbangga ng sasakyan.

Sa datos ng mga aksidente sa U.S. mula 2017 hanggang 2021, lumilitaw na mahigit 3.9 milyong batang edad 10 at mas bata ang nasangkot sa mga aksidente at 527,000 ang nasugatan habang 2,789 ang namatay dahil sa hindi paggamit ng seat belt o hindi gumamit ng restraint o pampigil sa bata sa halip na car seat.

“This is a snapshot of what we see very regularly, and is not at all surprising,” pahayag ni Kelley Miller, ng injury prevention coordinator sa Corewell Health’s Helen DeVos Children’s Hospital, sa Yahoo Life.

“We often see children who have severe or fatal injuries due to not using a car seat or booster seat or not using a car seat or booster seat that is appropriate for their age, height, weight and developmental level,” dagdag niya.

Sinabi ng Department of Transportation na maaaring mabawasan ang mga namamatay ng 71% para sa mga sanggol na mas bata sa isang taon at ng 54% para sa mga batang edad 1 hanggang 4 kung gagamit ng seat belt o anupamang pampigil o proteksiyon sa bata kapag nasa loob ng sasakyan.

Sa datos ng National Digital Car Seat Check Form, ipinakita na 90% ng mga bata na gumagamit ng regular na lap at shoulder seat belt sa sasakyan ay dapat pa ring nasa harap na upuan ng kotse o booster seat.

Ginawa umano ang mga seat belt para mapanatiling ligtas ang mga nasa hustong gulang na, o kahit hindi mga bata, kaya mahalagang tiyakin na lagi itong kapag nasa sasakyan. (Dolly Cabreza)

Related News

TELETABLOID

Follow Abante News on