Dahil binatikos na sa YouTube ang TAPE, Inc. at ‘Eat Bulaga’ dahil sa reklamo ng nagpakilalang winner sa portion nilang ‘Quick Response, Quick Reward’ o ‘QRQR’ ay kinuha namin ang side nila sa pamamagitan ng legal counsel/spokesperson nilang si Atty. Maggie Abraham.
Inalam ni Atty. Maggie sa staff ang reklamo ng winner na ‘yon.
Ipinaliwanag nga niya sa amin na nag-message at tumawag sila sa nasabing winner.
“May mga kailangan kasing details sa kanya para mapadala ang prize, pero hindi siya sumagot. Pati sa message sa kanya ng staff, wala siyang sagot,” sey ni Atty. Maggie.
Ipinakita rin sa amin ni Atty. Maggie ang pruweba na nag-message sila sa nasabing winner.
“At any rate, puwede pa niya ma-claim prize niya kasi within 30 days to claim naman ‘yon,” tsika pa ni Atty. Maggie.
Ang ‘QRQR’ ay ang pakontest ng noontime show para sa mga televiewer na kung saan kailangan nilang abangan at i-scan ang lalabas na QR code habang umeere ang show.
At para magkaroon ng chance manalo, kailangan nilang i-comment ang screenshot sa Facebook page ng TAPE, Inc. habang live itong umeere.
Dagdag pa ni Atty. Maggie, “Pakitulungan na lang kami friend ma-explain at baka mabasa niya sa Abante at ma-claim ni Mary Ann Coste (name ng winner) ang prize niya,” dagdag pa ni Atty. Maggie.
Nagpasalamat din sa Abante ang legal counsel/spokesperson ng TAPE, Inc. dahil ipinarating namin sa kanya ang reklamo ng nasabing winner.
‘Yun na!