WebClick Tracer

VISAYAS/MINDANAO

Panukalang ideklarang tuna capital ng ‘Pinas ang GenSan, umusad na

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukala na ideklara ang
General Santos bilang tuna capital ng bansa.

Inaprubahan ang House Bill 4641 sa pamamagitan ng voice voting sa
sesyon ng plenaryo noong Miyerkoles.

“In recognition of its status as the country’s largest producer of
fresh and canned tuna and vital contribution in making the Philippines
a major player in the world tuna industry, the City of General Santos
is hereby declared as the ‘Tuna Capital of the Philippines’,” ayon sa
panukala.

Ayon kay General Santos City Rep. Loreto Acharon, may-akda ng
panukala, 24 na oras matapos na ibaba ang mga fresh tuna sa General
Santos City Fish Port Complex ay ibinibiyahe na ang mga sashimi-grade
tuna patungong USA, Europa at Japan samantalang ang mga canned tuna
product ay ipinadadala sa iba’t ibang lugar sa mundo.

Matatagpuan sa General Santos City ang ang anim sa walong tuna cannery
sa Pilipinas na mayroong 120,000 empleyado. Ang industriya sa bansa ay
nagkakahalaga ng US$58 mil­yon, ayon kay Acharon. (Billy Begas)

Related News

TELETABLOID

Follow Abante News on