WebClick Tracer

VISAYAS/MINDANAO

P2.9M puslit na sigarilyo naharang sa Zambo

Himas rehas ang apat na hinihinalang miyembro ng smuggling group matapos silang makumpiskahan ng nasa P2.9 milyong halaga ng puslit na sigarilyo sa Tumalutap Island sa Zamboanga City.

Ayon kay PLt. Ariel Jalatoria, hepe ng Zamboanga Second Mobile Group, nakakarga ang mga kontrabando sa isang maliit na bangkang kahoy na may markang FB Ommayah 3 nang masabat nila ito sa bahagi ng Tumalutap Island noong gabi ng Setyembre 11.

Walang naipakitang dokumento ang apat na may dala ng mga sigarilyo kaya inaresto sila at kinumpiska ang mga kontrabando.

Sa ulat, galing ang grupo sa Sulu at patungo sa Maguindanao para ibagsak ang mga sigarilyo nang maispatan sila ng mga awtoridad sa nasabing lugar.

Nakatakdang i-turnover ang nasabat na mga sigarilyo sa Bureau of Customs (BOC) para sa kaukulang aksyon. (Edwin Balasa)

Related News

TELETABLOID

Follow Abante News on