After so mang years, natuwa talaga kami nang makita namin si Joey Loyzaga sa FIBA World Cup Finals sa SM MOA (Mall of Asia) Arena noong Sunday.
Sa mga hindi na nakakalilala kay Joey, sikat siyang basketbolista noong araw at kapatid siya nina Teresa, Bing Loyzaga.
Ex ni Gretchen Barretto si Joey kaya noong 80s ay madalas naming makitang magkasama ang dalawa.
Nakakatsikahan din namin noong araw si Joey kaya naman nang makita niya kami ni Ruffa Gutierrez sa Naismith Lounge ng FIBA ay lumapit siya sa amin at nakipagkuwentuhan.
Tsika ni Joey, uuwi siya agad ng Sydney, Australia noong Monday at kaya siya bumalik ng Pilipinas ay dahil nga sa FIBA World Cup.
Natuwa si Joey nang makatsikahan niya kami ni Ruffa.
Naaliw rin si Joey nang ikuwento ko sa kanya ‘yung ilang mga ‘eksena’ nila ni Gretchen na nasaksihan namin noong magkarelasyon pa sila.
Mukhang masaya naman ang buhay ngayon ni Joey kaya hindi ko na rin siya inusisa pa kung may komunikasyon pa ba sila ni Gretchen, ha!
Anyway, nakakabilib ang mga katulad ni Joey na kahit ang tagal nawala sa Pilipinas ay hindi naman nakakalimot sa mga dati niyang kakilala.
Bongga! (Jun Lalin)