WebClick Tracer

Bilang patuloy na pagtangkilik ng inclusivity at pagsuporta sa mga diverse na pamilya sa workplace, ang Home Credit Philippines (HCPH), ang nangungunang consumer finace company sa bansa, ay isinasama na ngayon ang domestic partners sa medical benefits program para sa mga eligible na empleyado.

Ayon kay HCPH Chief People Officer Alpha Omega Aquino, ang bagong polisiyang ito ay humahanay sa pangako ng kumpanya na bigyang prayoridad ang kapakanan ng kanilang mga empleyado.

“Sa pamamagitan nitong inisyatibo, layunin naming makagawa ng environment kung saan bawat empleyado ay makakaramdam ng suporta at pagpapahalaga. Nais naming mag-promote ng maalaga at maarugang work culture na maaaring matawag na tahanan para sa ikabubuti ng ating mga empleyado,” wika ni Aquino.

Dahil sa bagong polisiyang ito, ang mga kwalipikadong empleyado ay maaari nang palawigin ang kanilang HMO coverage para sa kanilang mga domestic partners, kung natutugunan nila ang ilang pamantayan. Ang empleyado at kaniyang domestic partner ay dapat parehong single, hindi kasal, at hindi magkamag-anak, lehitimo man o hindi. Ang partner ay dapat nasa legal na edad at hindi lalampas ng 65 na taong gulang.

Kung kwalipikado, maaaring i-enroll ng empleyado ang kaniyang partner sa pamamagitan ng pagpasa ng mga sumusunod na requirements para sa medical benefits program: barangay certification of co-habitation, certified copy ng partner’s birth certificate mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), at certificate of no marriage (CENOMAR) mula din sa PSA.

“Sa pagpapalawig ng aming medical benefits program para sa domestic partners, nae-enable namin ang mga empleyado na bumuo ng matatag at malusog na pamilya ng hindi alintana ang marital status. Kasama sa saklaw ng polisiya ang inpatient at outpatient services, kasama na ang checkups, laboratory tests, rehab, therapy, emergency care, dental, mental health care, at mga dati nang umiiral na kondisyong pangkalusugan,” saad ni Aquino.

Bilang matapat na advocate ng Diversity, Equity, at Inclusion (DEI), ang inisyatibong ito ay nagbibigay ng dagdag suporta sa Same-Sex Partner HMO Coverage ng HCPH na nagsimula noong 2021 upang mabigyan ng medical benefits ang LGBTQIA+ partners. Sa kasalukuyan, ang kumpanya ay may iilang empleyado na tinatamasa ang mga benepisyong ito.

“Dito sa Home Credit, naniniwala kami na ang aming mga empleyado ay aming greatest asset. Nananatili kaming nakatuon sa pagpapaunlad ng workplace na nagpo-promote ng DEI. Ito ay nagbibigay-daan sa amin na yakapin ang iba’t ibang pananaw at background upang madama ng bawat empleyado na sila’y aming malugod na tinatanggap at pinahahalagahan,” wika ni Aquino.

Bilang testamento sa commitment ng Home Credit para sa pagtangkilik ng DEI practices, kamakailan lamang ay muling naiuwi ng kumpanya ang Gold Steive for the Innovative Achievement for Diversity and Inclusion category noong ika-sampung taunang Asia-Pacific Stevie Awards na ginanap noong Hunyo.

Para sa karagdagang impormasyon at pinakabagong updates mula sa HCPH, dumalaw lang sa official website nito sa www.homecredit.ph. Maaari ding i-follow ang kanilang official Facebook, Instagram, at TikTok accounts. Ineenganyo din ang mga customers na i-download ang My Home Credit App sa Google Play para matuto nang higit pa tungkol sa mga pinakabagong promo at makita kung ano ang bago sa Marketplace.

Ang Home Credit Philippines ay isang financing company na lisensyado at pinangangasiwaan ng Securities and Exchange Commission (SEC) at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Abante TNT

TELETABLOID

Follow Abante News on