NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa Malacañang noong Biyernes.
Sinabi ni Sotto na ang pulong ay matagal nang plinano subalit noong Biyernes lamang nagkaroon ng katuparan. Agad namang nilinaw ng dating senador na hindi siya inalok na maging miyembro ng gabinete ni Marcos.
“Senado pinag-usapan namin,” paglalahad ni Sotto sa interview ng DWIZ nitong Sabado.
Nang matanong kung balak niya muling maging Senate President, sinabi ng dating senador na depende ito kung gugustuhin ng mga kasamahan niya sa Senado.
“Kung akoy babalik sa Senado, hindi naman ako kailangang mag-Senate president unless gusto ng mga kasama ko,” paglilinaw ni Sotto.
Aniya, pinayuhan siya ng mga consultant na huwag tatanggap ng Cabinet post dahil magtatrabaho lamang siya ng isang taon at tatlong buwan saka magbibitiw sa puwesto dahil sa pagtakbo sa 2025 elections.
“Kung ako’y mas makakatulong sa gobyerno, ang inclination ng mga kasama ko, tsaka mga adviser ko bumalik ako sa Senado,” diin ni Sotto.
See Related Stories:
Jalosjos inaareglo sina Tito, Vic, Joey
Showbiz nagluksa sa paglayas nina Tito, Vic at Joey sa TAPE, Inc.