Isang taga-production ng IBC13 ang kumontak sa amin para alamin kung paano nilang makakausap ang representative nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.
Sabi ng taong kausap namin, interesado silang kunin ang TVJ at ang Dabarkads.
Gusto raw makausap ng kanilang president/CEO na si Mr. Hexilon Alvarez sina Tito, Vic, at Joey.
Willing daw silang i-welcome home ang TVJ sa IBC13 dahil kung matatandaan daw ay napakaraming naging shows sa kanila ng tatlo.
Ang ‘Iskul Bukol’ ay sa Channel 13 umere noon.
“Gusto namin silang i-welcome back. Puwedeng-puwede na ibigay sa kanila ang noontime slot, kahit ibang timeslot kung gusto nila.
“Saka hanggang ngayon naman, eh, hindi pa rin nakakalimutan ng fans ang ‘Iskul Bukol’ na umere sa Channel 13.
“Kahit si Tito Sen naman, may ‘Hapi House!’ siya noon. Si Bossing Vic, sa amin nag-start ang ‘Okay Ka, Fairy Ko!’ bago nalipat sa iba.
“Si Tito Joey, pinasikat ang ‘T.O.D.A.S.’ sa Channel 13.
“So kung puwede, sana bumalik na lang sila sa amin. Welcome na welcome sila sa IBC13.
“Sana makausap sila ng big boss naming si Mr. Hexilon Alvarez. Lahat kami excited, sana puwedeng mag-IBC13 ang TVJ at Dabarkads. Ang saya lang,” sabi ng aming kausap.
Sana nga ay makausap ni Mr. Hexilon Alvarez ang TVJ dahil ang saya rin naman kung babalik sila sa IBC13, huh!
‘Yun na!
See Related Stories:
GF ng presidential son pasok! Mga bagong host ng ‘Eat Bulaga’ sasalang na sa Lunes!
Facebook ng ‘Eat Bulaga’ hindi pag-aari ng TAPE
Jalosjos, GMA kampihan ‘Eat Bulaga’ sisikat kahit walang TVJ
Mga Tv network agawan sa TVJ, Dabarkads
TVJ humingi ng bendisyon, taimtim na nagdasal bago ang pamamaalam