Aware si Melai Cantiveros sa wish ng mga fan nila ng asawang si Jason Francisco na makapag-post naman siya sa Instagram na hindi lamang ang mga anak nilang sina Mela at Stella ang kasama niya kundi pati ang mister.
Matagal na nga naman kasi ‘yung last time na kumpleto silang pamilya sa IG post niya, o ‘yung silang dalawa lang ni Jason.
Nagsalita naman si Melai tungko dito, na minsan ay pinananabik lang daw niya talaga ang mga netizen na naghahanap kay Jason at laging pinaghihinalaang hiwalay na sila.
Kaya laking tuwa ng mga fan nila, ang mga MelaSon, dahil sa graduation ng kanilang bunsong si Stella ay kumpleto silang apat at finally nga ay may picture na si Jason na kasama nila.
Sabi nga ni Melai after batiin ang anak sa graduation at nagbiro pa na dahil gusto raw ni Stella ay sa pre-school pa rin na ‘yon mag-aaral kahit elementary na, next school year raw ay balik kinder ang anak.
Pero ‘yun nga, hirit niya sa dulo ng kanyang caption, “At alam ko masaya kayo, natupad wish n’yo ma-post ko na si Jason.”
True enough, mababasa sa halos lahat ng mga comment na tuwang-tuwa ang mga fan nila sa post na ‘yon dahil napatunayan nilang happy family pa rin daw ang MelaSon.
At least naglabas na ng ‘resibo’ si Melai na hindi talaga sila hiwalay ni Jason, ha!
See Related Story: