Mapapahiya lamang si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa panawagan nito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na i-veto ang Maharlika Investment Fund (MIF) bill.
Ayon kay Senador Francis “Chiz” Escudero, sa mga miyembro lamang ng mayorya maaaring makinig si Pangulong Marcos at hindi sa mga miyembro ng oposisyon.
“Practical politics, hindi ako naniniwalang papakinggan at susundan ni Pangulong Marcos si Senador Pimentel dahil siya ang lider ng oposisyon at minoriya sa Senado,” wika ni Escudero sa interview ng DWIZ nitong Sabado.
“Ang una niyang pakikinggan ay ‘yong mga kakampi at kaalyado at kapartido niya sa Senado,” dagdag ng senador.
Inamin ni Escudero na kailangang may baguhin sa MIF bill pero magagawa naman ito sa pamamagitan ng pag-amiyenda o kaya ay paghahain ng joint resolution ng Senado at Kamara.
See Related Stories:
Mga opisyal ng Maharlika Fund titiba sa bonus