WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

JhaiHo ‘di inalok maging host ng ‘Eat Bulaga’

Ni-repost ng Kapamilyang si JhaiHo ang isang tweet na diumano’y na-scoop nito na isang sikat daw na DJ dati ng MOR ang tinawagan ng GMA Network at posibleng maging bagong host ng ‘Eat Bulaga’.

Nag-caption si JhaiHo dito ng, “Trending na usapin ngayon ito. Yay or Nyay?!”

Dahil dito, kinausap namin si JhaiHo at tinanong kung may katotohanan nga na in-offer-an siya ng GMA-7 para maging host ng ‘Eat Bulaga’.

Mabilis namang sumagot si JhaiHo na, “Hindi, Ate. Hindi po. APT po ako, Ate.”

Ang APT ang production ni Mr. Tony Tuviera. Ang latest show ni JhaiHo na produced ng APT sa TV5 ay ang ‘Jack and Jill sa Diamond Hills’.

Nang tanungin nga namin siya kung sakali nga at alukin siya, sinabi niya agad na, “Malaki ang utang na loob ko kay Direk Mike (Tuviera) at Mr. T (Tony Tuviera) po.” (Rose Garcia)

See Related Stories:

GF ng presidential son pasok! Mga bagong host ng ‘Eat Bulaga’ sasalang na sa Lunes!

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on