Wala na yatang makakatalo o makakalagpas pa sa network ni Heart Evangelista sa Paris fashion scene dahil hindi lang mga runway show ng mga bigating luxury brand at world renowned fashion designers ang napapasok niya para makapanood bilang VIP, aba maging ang manufacturing warehouse ng Louis Vuitton ay nagawa na rin niyang pasukin.
Napahanga ang mga netizen at pinagtatakhan kung paano nagawang mapasok ni Heart ang pagawaan ng sapatos, sandals ng LV sa Italy.
Mapapanood sa Instagram ni Heart ang pagbisita niya sa nasabing pagawaan, kung saan makikita ang paglalakad niya sa loob ng compound hanggang sa pagpasok niya sa mismong pagawaan ay makikita sa video.
Masusing ipinakita kay Heart ng mga designer at staff ang paraan ng paggawa ng mga sapatos.
Nagawa ring subukan ni Heart ang maglagay ng mga metal designs o emblem sa mga sapatos, ngunit ayon sa kanya, kailangan talaga ng matagal na pagsasanay o trabaho para makuha ang craftsmanship na hinahanap sa LV shoes.
Natatangi ang koneksyon ni Heart para lang magawa niyang mabisita ang pagawaan ng mga sapatos, sandals ng LV, kaya naman pinapalakpakan ng mga netizen ang Kapuso fashionista sa panibago niyang achievement.
Pinuri naman ni Heart ang tatlong Pilipino na nagta-trabaho roon, pero hindi nya binanggit ang pangalan ng mga ‘yon.
Inaabangan ng kanyang mga fan ang panayam ni Heart sa mga ito, kung posible bang ma-interview niya ang tatlong Pinoy kahit tila bawal sa mga empleyado ang mga ganitong exposure para makaiwas na maibahagi ang trademark secret ng kanilang produkto.
Kapansin-pansin lang na ginawa nang limitado ni Heart ang comment section sa kanyang mga post.
See Related Stories:
Heart ‘winalis’ sina Pia, Sarah