WebClick Tracer

NEWS

Financial transparency sa JCI Philippines, hinirit ng mga miyembro

Sa gitna ng mainit na usapin sa kilalang organisasyon ng mga kabataang lider, isang miyembro ng Junior Chamber International (JCI) Philippines ang nagpahayag ng kanyang saloobin at hinamon ang isang trainer hinggil sa isyu ng transparency sa pananalapi ng organisasyon.

Ayon sa isang miyembrong matibay ang pagmamahal sa organisasyon, gusto niyang malinawan ang ilang isyu kaya direktang tinanong ang dating TRC Deputy Director General hinggil sa mga isyung hindi maipaliwanag na may kaugnayan sa pondo ng organisasyon.

Lumalabas na ang mga lider ng JCI Philippines ay hindi umano nagbibigay ng Financial Statement sa kanilang mga miyembro mula pa noong 2021. Isang malaking krisis aniya sa liderato na dapat maaksyunan agad.

Ang kanyang hamon ay nagpapakita ng kanyang malalim na pag-aalala sa kasalukuyan at kinabukasan ng organisasyon na kanyang sinusuportahan. Ang mga usapin sa loob ng JCI Philippines ay hindi lamang limitado sa kanya, kundi sa iba pa nilang mga miyembro.

Sa ganitong sitwasyon, mahalaga aniya ang transparency at accountability sa loob ng anumang organisasyon.

Kaugnay nito’y hinihingan din ng reaksyon ang National Treasurer ng JCI Philippines upang maibigay ang kanilang panig sa katanungan ng mga miyembro.

Related News

TELETABLOID

Follow Abante News on