Na-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang dalawang volcanic tremor sa Bulkang Taal.
Ayon sa report ng Phivolcs, nagkaroon ng volcanic tremor sa Taal hanggang mula alas-6:35 nang umaga noon pang Biyernes.
Nananatili pa rin sa ilalim ng Alert Level 1 ang Taal, kung saan bawal pa rin pumasok ang mga tao sa isla nito.
Maging ang paglaot sa Taal Lake ay hindi pa rin pinapayagan.
Abot sa 5,831 tonnes ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan, at napansin din ang pagtaas ng volcanic fluid sa main creater ng Taal. (RP)