WebClick Tracer

NEWS

3 tren nagsalpukan, halos 300 todas

Pumalo na sa kabuuang 288 katao ang nasawi habang mahigit sa 850 ang nasugatan sa malagim na salpukan ng tatlong tren sa India, ayon sa mga opisyal kahapon.

Bukod sa nasabing bilang ay inaasahan pang tumaas ang death toll sa itinuturing na pinakamarkadong aksidente sa tren sa nabanggit na bansa sa loob ng mahigit 20 taon.

Kinumpirma ng punong kalihim ng estado na si Pradeep Jena sa Twitter ang sakuna na naganap sa silangang estado ng Odisha noong Biyernes.

Ayon sa kalihim, habang patuloy na nagsasagawa ng malawakang rescue operation, ang mga nasugatan ay ipinadala na sa mga ospital kasunod ng pag-crash, na naganap mga 200 kilometro (125 milya) mula sa kabisera ng estado na Bhubaneswar.

Nabatid naman kay Amitabh Sharma, executive director sa Indian Railways, na dalawang pampasaherong tren ang unang nasangkot sa aksidente habang ang ikatlong tren, na nakaparada sa site, ay nasangkot din sa nasabing salpukan.
Batay sa mga senaryo sa video footage at mga larawan sa crash site noong Biyernes, makikita ang malagim na mga eksena ng kaguluhan at kawalan ng pag-asa. Dose-dosenang mga bangkay ang nakahandusay sa tabi ng mga sira-sirang tren.

Maging ang personal na gamit ng mga pasahero ay nagkalat habang ang mga bintana ay nadurog, nagkandabasag ang mga salamin at napunit ang mga metal na sahig at dingding ng tren.

Related News

TELETABLOID

Follow Abante News on