Tatlo ang sugatan sa magsalpukan ang pampasaherong bus at isang owner type na jeepney sa Lalawigan ng Quezon kahapon nang umaga
Sa ulat nangyari ito ng alas-8:45 nang umaga ng Sabado sa Quirino Highway, Brgy. San Francisco, Tagkawayan, Quezon.
Sa ulat ng mga barangay sa lugar patungong Bicol ang bus habang ang owner type jeep naman ay biyahe pa-Maynila.
Lumalabas na wala umano sa linya ang bus kaya’t nasalpok nito ang owner type jeep sa pababang bahagi ng highway.
Wasak ang harapan ng jeep patunay ng matinding tama nito.
Ang mga sakay nito ay sugatan na napahiga na lang sa kalsada.
Agad silang dinala sa ospital at nilalapatan ng lunas. (Catherine Reyes/Ronilo Dagos)