WebClick Tracer

NEWS

2 barko nagbanggaan sa Greece

Dalawang barkong pangkargamento ang nagbanggaan sa karagatan ng Chios sa Greece.

Batay sa ulat, ang nagsalpukang dalawang cargo vessels ay ang Singapore-flagged na Potentia at Vanuatu-flagged ship na ANT.

Nabatid na ang Potentia ay may lulang 19 crew members nang sumalpok sa ANT na may sakay namang 13 crew. Nangyari ito silangang Aegean Sea na malapit rin sa karagatan ng Turkey.

Wala namang naitalang nasawi sa nasabing banggaan.

Sa ngayon ay masusi pang inaalam ng mga otoridad ang naging sanhi ng nasabing aksidente.

Related News

TELETABLOID

Follow Abante News on