Nahaharap sa kasong rape ang isang farm owner matapos umano nitong gahasain ang isang 14-anyos na dalagita sa loob ng kanyang farm sa Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal.
Nitong Biyernes nang hapon ay nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktima, kasama ang kanyang kapatid na lalaki upang ipagharap ng reklamo ang suspek na si Edgar Mirabueno.
Batay sa reklamo ng dalagita sa Tanay Police Station, nangyari ang unang panghahalay sa ng suspek noong Mayo 10, 2023, nang makita siya ang suspek na naglalakd papauwi sa kanilang tinutuluyang bahay sa farm.
Inutusan umano siya ng suspek na magtungo sa backhoe equipment na nasa isang bahagi ng farm subalit pagdating doon ay ginahasa siya nito.
Napag-alaman na ang kapatid at tatay ng biktima ay trabahador sa nasabing farm.
Naulit pa umano ng ilang beses ang panghahalay ng suspek sa loob ng kubo at sa barracks.
Umamin naman ang biktima na binigyan siya ng pera ng suspek para huwag siyang magsumbong.
Subalit ng malaman ng kanyang kapatid na lalaki ang pang-aabuso ng kanilang amo ay sinamahan na ito sa pulisya ang biktima upang magsampa ng reklamo.
Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. (Ronilo Dagos)