WebClick Tracer

METRO

1 dedbol sa banggaan ng 2 motorsiklo

Patay ang isang rider samantalang dalawa pa sugatan matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Brgy. San Felix, Sto. Tomas City, Batangas nitong Huwebes.

Ayon sa report ng Sto Tomas City Police nitong Sabado, nagsalpukan ang mga motorsiklong minamaneho nina John Henrich Abarcar, 24-anyos, residente ng nasabing barangay at Julius Cesar Corpuz , taga-Brgy. Balete, Victoria, Laguna habang magkasalubong sa barangay road dakong alas-11:00 nang gabi.

Base sa imbesigasyon, nag-counterflow si Corpuz dahil sa ginagawang kalsada sa kanyang linya. Hindi nito naiwasan ang kasalubong na si Abarcar kaya nagka-head-on collision ang dalawa.

Nagresulta ito sa pagkawasak ng dalawang motorsiklo at pagkasugat ng dalawang driver at ng backrider ni Abarcar na si Dianne Joy Abarcar.

Isinugod ang mga ito sa ospital sa Batangas su­balit binawian ng buhay si Corpuz habang nilalapatan ng Lunas sa Mary Mediatrix Hospital sa Lipa City. (Ronilo Dagos)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on