WebClick Tracer

NEWS

Sapol ng Arcturus COVID variant umakyat sa 44

Nadagdagan ng 16 lokal na bagong kaso ng XBB.1.16 o Arcturus ang na-detect ng Department of Health (DOH) dahilan para umabot na sa 44 ang kabuuang kaso.

Ayon sa DOH, ang 16 na local Arcturus cases ay nakita sa Western Visayas, base sa pinakahuling COVID-19 biosurveillance report.

Nabatid na ang XBB.1.16 ay descendent lineage ng XBB, recombinant ng dalawang BA.2 descendent lineages.

Una nang sinabi ng DOH na ang naturang strain ay kayang pasukin ang immunity at mas mabagsik kumpara sa mga naunang variants.

Kinumpirma rin ng DOH, ang lokal na transmisyon­ ng XBB.1.16 dahil sa pagtaas ng kaso ng variants na walang linkages sa international cases o walang history ng exposure.

Samantala, naka-detect din ang DOH ng 118 bagong kaso ng omicron subvariants.

Sa naturang bilang, 84 ang naklasipika bilang XBB, kasama ang 15 XBB.1.5 cases, 47 XBB.1.9.1 cases, 10 XBB.1.9.2 cases at 7 XBB.2.3 cases; 33 na BA.2.3.20, at 1 case ng ibang omicron sublineages.

Ito umano ang resulta ng pinakahuling sequencing isinagawa ng University of the Philippines – Philippine Genome Center Visayas noong Mayo 22. (Juliet­ de Loza-Cudia)

See Related Stories:

COVID case lumobo sa Arcturus subvariant

Bagong COVID variant may local transmission – DOH

Related News

TELETABLOID

Follow Abante News on