WebClick Tracer

NEWS

‘Pinas host ng 2024 Forbes Asia Forum

Tinanggap ni Pangulong Marcos Jr. ang alok sa Pilipinas na gawin ang Forbes Asia Forum at Forbes Global CEO Conference sa susunod na taon upang mapa­lawak ang exposure ng Pilipinas at makaakit ng mas maraming dayuhang mamumuhunan.

Nakipagkita sa Pangulo ang mga opisyal mg Forbes Media LCC sa Malacañang at iminungkahi na gawin sa fourth quarter ng 2024 ang pandaigdigang forum.

Umaasa si Pangulong Marcos Jr. na sa pamama­gitan nito ay maipakita sa buong mundo ang bagong mukha ng Pilipinas at hindi ang dating Pilipinas na nasa isip ng karamihan.

“I hope that we can feature that in this conference and we can show the Philippines as it is now, as opposed to perhaps some of the ideas that people have had almost for a while,” anang Pangulo.

Sa gagawing conference ay magsasama-sama ang mga Chief Executive Officers (CEOs), tycoons, entrepreneurs, investors at mga matataas na lider upang talakayin ang mga pangunahing pandaigdigang usa­pin at pagtatatag ng partnerships.

Ngayong 2023 ay gaganapin sa Singapore ang global conference at inimbitahan si Pangulong MRcos Jr. na makibahagi sa sidelines ng kumperensiya.

Sinabi ng Pangulo na nakatutok ang kanyang administrasyon sa pagpapalakas sa ekonomiya at pag­hikayat ng mga pamumuhunan sa aspekto ng digitalisasyon, energy connectivity, reporma sa burukrasya at infrastructure development. (Aileen Taliping)

See Related Stories:

PBBM wawalisin mga fixer

Duterte ayaw umepal sa drug campaign ni PBBM

PBBM pinarerepaso tax incentive sa mga negosyo

Related News

TELETABLOID

Follow Abante News on