Inamin ng Department of Information and Communication Technology (DICT) na isa sa mga dahilan sa pagkaantala ng national broadband project ay ang maling tubo na ginamit ng contractor ng nakaraang administrasyon.
Sa nakaraang briefing ng House Committee on Appropriations na pinamumunuan ni Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co, sinabi ni DICT Secretary Ivan Uy na gumagawa na ngayon ng pagtatama sa naging problema.
“That’s the big issue that happened that’s why the national broadband was delayed. Because the contractor that was contracted to do it was a public works contractor and not a telecoms contractor. Kaya imbes na telecommunication pipes ang ginamit, e-pipes ng pang-tubig po ang ginamit so it did not meet the standards of Facebook and DICT. That’s why we need to redo,” sabi ni Uy.
Iniulat ng DICT na nasubukan ng gamitin ang kable ng Facebook (Meta) na dumating sa Baler Cable Landing Station.
Nagkaroon na umano ng 100 Gbps link-up sa pagitan ng Los Angeles, California at Baler Cable station.
Ang kable na bigay ng Facebook ay gagamitin ng gobyerno sa Luzon Bypass Infrastructure (LBI) upang mapabilis ang internet connectivity sa bansa. (Billy Begas)
See Related Stories: