WebClick Tracer

SPORTS

Kai Sotto papasiklab din sa LA mini camp

NAGPAPATULOY sa kanyang misyon ang 7-foot-3 Filipino stalwart na si Kai Zachary Sotto na mahanap ang pinapangarap na daan patungo sa National Basketball Association (NBA) matapos papurihan ni Utah Jazz head coach Will Hardy kasunod ng ginanap na mini camp nitong nagdaang linggo.

Nagawang makipagsabayan ng 21-anyos na Gilas Pilipinas center sa 26 na manlalaro kabilang ang ilang talentadong big men sa isinagawang mini camp nitong Miyerkoles at Huwebes (oras sa Pilipinas).

Kasalukuyang nagbabalasa ng lineup ang Utah Jazz at naghahanap ng big man, kung saan naghahanap sila ng makasama ni 22nd overall pick Walker Kessler, na napabilang sa 2023 NBA All-Rookie Team.

Kabilang sa sentro ng Jazz sina Udoka Azubuike, Damian Jones at Micah Porter.

“I think he’s talent level is there for sure. He really gives us somebody who really got the ball at the point of attack,” pahayag ni Utah Jazz head coach Will Hardy sa isang online interview.

Ayon naman sa lumabas na tweet ni veteran sports analyst Homer Sayson, nakatakda itong bumalik sa Los Angeles upang paghandaan ang panibagong basketball camp ng Lakers kasunod umano ng magandang karanasan ni Sotto sa Utah.

Nabigo si Sotto na mapili ng anumang koponan sa nagdaang 2022 NBA Draft upang maging free agent. (Gerard Arce)

Related News

TELETABLOID

Follow Abante News on